PBBM hiniritan ng executive memo sa “non-cooperation” sa ICC

FILE PHOTO

Hiniling kay Pangulong Marcos Jr. ni dating presidential spokesman Harry Roque na magpalabas ng executive memo ukol sa kanyang paninindigan na hindi makakaasa ng kooperasyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas.

Kaugnay ito sa nais ng ICC na makapag-imbestiga sa bansa ukol sa madugong “war on drugs” ng nakalipas na administrasyon.

Si Roque ang abogado nina dating Pangulong Duterte at dating PNP chief at ngayon ay Sen. Ronald dela Rosa.

Katuwiran ni Roque sa pamamagitan ng memorandum circular sa lahat ng mga ahensiya, liliit ang posibilidad na maaresto si Duterte at mababawasan din ang tensyon.

Dapat din aniya ikunsidera ni Pangulong Marcos Jr., ang pagtutol ng mga tagasuporta ni Duterte sa kanyang posisyon.

Una nang sinabi ni Roque na naging aligaga siya nang sabihan siya ni Duterte na may natanggap itong impormasyon na malapit na siyang arestuhin.

Si Duterte ang nag-utos ng pagtalikod ng Pilipinas sa ICC.

 

 

Read more...