PSA: December 2023 jobless rate pinakamababa sa dalawang dekada

INQUIRER PHOTO

Bumababa sa 1,6 milyon ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong nakaraang Disyembre.

Sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang naitalang 1.6 milyong Filipino na walang trabaho ang pinakamababa sa loob ng dalawang dekada.

Base sa isinagawang Labor Force Survey sa 11,235 kabahayan, naitala ang 3.1 porsiyentong unemployment rate na mas mababa kumpara sa 4.3 porsiyento na naitala noong Disyembre ng 2022.

Pagpapakita ito na nabawasan ng 617,000 ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho.

Kasabay nito ang halos isang porsiyentong pagtaas sa unemployment rate sa 96.9 porsiyento mula sa  95.7 porsiyento noong Disyembre 2022.

Nangangahulugan na 50.52 milyong Filipino ang may trabaho noong nakaraang Disyembre.

 

 

Read more...