Ibinahagi ng Department of Education (DepEd) na higit 1.7 milyong mag-aaral na ang nagparehistro para sa School Year 2024 – 2025. Nabatid na ang mga nagprehistro na papasok sa Kindergarten, Grades 1, 7 at 11 ay 1,701,793. Sa naturang bilang 394,711ang early registrants sa Kindergarten; 673,487 sa Grade 1; 336,744 sa Grade 7 at 296,851 sa Grade 11. Layon din ng pre-registration na mahikayat ang mga tumigil sa kanilang pag-aaral na ipagpatuloy ang pagkuha ng edukasyon sa mga paaralan. Ayon sa DepEd ang lahat ng pampublikong paaralan sa bansa na nag-aalok ng basic education ay may mandato na mag-alok ng early registration.
MOST READ
LATEST STORIES