Tiwala si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang na ang pagpapatayo ng mga kulungan sa bawat rehiyon ang mabisang solusyon para lumuwag ang ginagawalan ng mga bilanggo.Nakapaloob ito sa ulat ni Catapang kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.Nabanggit ng opisyal na mas malaki ang bilang ng mga pumapasok sa mga kulungan kumpara sa mga lumalayang bilanggo.Aniya kada taon sa nakalipas na limang taon, 5,327 bilanggo ang nakakalaya, samantalang 7,823 naman ang naililipat sa kanilang kustodiya.Kung magpapatuloy ito, sabi pa ni Catapang, hindi luluwag ang kanilang mga pasilidad.Nagpapatuloy naman ang ginagawang “decongestion” sa pambansang piitan sa Muntinlupa City sa pamamagitan ng paglilipat ng mga bilanggo sa ibang pasilidad ng BuCor sa mga lalawigan.