Bahagyang nabawasan ang bilang ng mga pamilyang Filipino na optimistiko na bubuti ang kalidad ng kanilang buhay ngayon taon base sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.
Lumabas sa independent survey, na isinagawa noong noong Disyembre 8 hanggang 11, 44 porsiyento ang naniniwalang bubuti ang kalidad ng kanilanh buhay, katulad na porsiyento rin ang nagsabi na walang magbabago.
Samantalang may limang poriyento ang naniniwala na lalala pa ang kondisyon ng kanilang buhay at pitong porsiyento naman ang hindi nagbigay ng kanilang kasagutan.
Ito ay pagpapakita na +39 porsiyento ang optimistiko na “very high.”
Ngunit ito ay mababa sa naitalang +42 porsiyento, na excellent, noong nakaraang Setyembre.
Nabawasan ang mga optimistiko sa Balanced Luzon at Visayas, samantalang tumaas sa Metro Manila at walang pagbabago sa Mindanao.