Tiniyak ni Pangulong Marcos Jr., na ginagawa ng gobyerno ang lahat para magpatuloy ang pagganda ng lagay ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi niya ito kasunod nang anunsiyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) nang pagbagal pa ng inflation rate sa bansa noong nakaraang buwan sa 2.78 porsiyento.
“We remain committed to easing the burden on our citizens, as evidenced by the recent electricity bill discounts for low-income households,” sabi ng Punong Ehekutibo.
Aniya ang pagbagal ng inflation rate ay bunga ng pagbaba ng presyo ng pagkain dahil na rin sa mga ginagawa hakbang ng mga ahensiya, kasama na ang pagpapatupad ng National Adaptation Plan at ang reactivation ng Task Force El Niño.
“Additionally, strategic partnerships with countries like Vietnam for rice supply to allow further imports of key food commodities are crucial steps towards ensuring sustained progress,” dagdag pa nito.