2 sports cars na may halagang P330M hanap ng BOC

INQUIRER PHOTO

Hinahanap na ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang sports cars na pinaniniwalaang ipinuslit sa bansa.

Nagpalabas na ang kawanihan ng Warrant of Seizure and Detention sa dalawang Bugatti Chiron na nagkakahalaga ng P165 milyon bawat isa.

Napag-alaman na ang asul na Bugatti Chiron, na may plakang NIM 5448 ay nairehistro na sa isang Menguin Zhu at ang kulay pula naman na may plakang NIM 5450 ay naka-rehistro sa isang Thu Thrang Nguyen.

Nabatid na Nobyembre noong nakaraang taon nang malaman ng BOC ang pagpasok sa Pilipinas ng dalawang 2023 model sports cars ng walang clearance mula sa kawanihan.

Iniaalok din diumano ang dalawang sasakyan sa online markets at iba pang social media.

Read more...