Performance review sa Duterte, Marcos Jr. appointees hiningi ni PBBM

OP PHOTO

Ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., ang performance review ng lahat ng kanyang mga itinalaga sa puwesto, gayundin ni dating Pangulong Duterte. Nakapaloob ang utos sa isang memorandum na may petsang Pebrero 2 ngayon taon. Kinumpirma ni Communications Sec. Cheloy Garafil ang memorandum at sakop nito ang lahat ng presidential appointees hanggang noong Pebrero 1. Inatasan sila na magsumite ng kanilang updated personal data sheet at clearances mula sa Civil Service Commission, National Bureau of Investigation, Office of the Ombudsman, at Sandiganbayan.

“This is a directive to all presidential appointees, including those appointed by President Ferdinand R. Marcos, Jr., as part of performance review and to ensure continuing qualifications to remain in office,” ani Garafil.

Read more...