Mga lungga ng Maute Group sa Lanao del Sur sinalakay

Base sa impormasyon ng mga sibilyan, nadiskubre at sinalakay ng mga puwersa ng gobyerno ang tatlong hideout ng Maute Group sa Balindong, Lanao del Sur noong Linggo. Ngunit hindi na inabutan ng mga tauhan ng 103rd Infantry Brigade ng Army 1st Infantry Division ang mga terorista. Narekober na lamang ang ilang armas, mga bala at mga personal na gamit ng mga miyembro ng naturang grupo. Naniniwala naman si 103rd Brigade commander Yegor Barroquillo Jr., na malaking dagok na sa teroristang grupo ang pagkakadiskubre ng kanilang mga pinagtataguan. Pinuri naman ni 1st Infantry Division commander Maj. Gen. Gabriel C. Viray III ang mabilis na pagkilos ng kanyang mga tauhan, gayundin ng mga pulis para sa kaayusan at kapayapaan sa lugar.

Read more...