Ex-NEDA chief: Restrictive provisions sa 1987 Constitution pinabagal ang ekonomiya

INQUIRER PHOTO

Sinabi ni dating National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Gerardo Sicat na mabagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa dahil sa “restrictive economic provisions” sa 1987 Constitution.

Sa pagdining ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments, sinabi ng dating socio-economic planning secretary na nalilimitahan ang paglalatag ng mga solusyong pang-ekonomiya ng mga “restrictive provisions” at ito ang pumipigil sa sana ay mabilis na paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ito aniya ang dahilan kayat pinapaboran niya ang pag-amyenda sa “economic provisions” ng kataas-taasang batas ng bansa.

Dagdag pa niya na matagal nang naghihirap ang Pilipinas na maabot ang pag-unlad dahil sa mga naturang probisyon.

Ayon pa sa kauna-unahang namuno sa NEDA, dahil sa mga probisyon, binabarat ang Pilipinas sa mga negosasyon, pagpayag sa mga pabor kayat nagkakaroon ng korapsyon.

Paliwanag pa niya na magpapatuloy ang mga paggawa ng mga maling batas dahil sa pagkonsidera sa mga mapanikil na probisyon.

 

Read more...