Hindi matatawaran, ayon kay Senator Cynthia Villar, ang kahalagahan ng “wetlands” bagamat ito ay anim na porsiyento lamang sa ibabaw ng mundo.
Ayon kay Villar hanggang noong nakaraang taon, may 2,500 ang kinilalang “Wetlands of Internartional Importance. at ma 172 bansa ang sumang-ayon sa Ramsar Convention para bigyang proteksyon ang mga ito.
Banggit niya sa Pilipinas ay may walong wetlands kabilang ang Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP).
Sa pagbubukas ng LPPWP Wetland Center Museum, ipinaalala ng namumuno sa Senate Committee on Environment na tuwing kada Pebrero 2 ay ginugunita ang Ramsar Convention na ginanap sa Ramsar, Iraq noong 1971,
“This global treaty aims to preserve wetlands and raise public awareness on their vital role in biodiversity, climate change mitigation, fresh water provision, and economic support,” pagpupunto ng senadora.
Ang iba pang wetlands sa bansa ay ang Olango Island Wildlife Sanctuary sa Cebu; Naujan Lake National Park sa Oriental Mindoro;Agusan Marsh Wildlife Sanctuary sa Agusan del Sur; Tubbataha Reefs Natural Park sa Sulu Sea; Puerto Princesa Subterranean River National Park sa Palawan; Negros Occidental Coastal Wetlands Conservation Area sa Negros Occidental at Sasmuan Pampanga Coastal Wetlands sa Pampanga.
Ang pinasinayaan niyang Wetland Center sa LPPWP ay ang kauna-unahan sa Pilipinas.
“This structure houses this auditorium, a DENR office a BFAR office, the museum we will unveil later, and soon, a coffee shop and a souvenir shop. The design of this Wetland Center was generously provided for free by our PAMB member, Architect Aaron Lecciones of the Society for the Conservation of Philippine Wetlands (SCPW),” pagbibida pa ni Villar.