Resolusyon ng suporta kay Romualdez, insulto sa Senado

Pinalagan ng ilang senador ang resolusyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na nagpapahayag ng suporta kay House Speaker Martin Romualdez.

Partikular na pinuna ang bahagi ng titulo ng resolusyon – ” Intense Assault Coming from the Senate.”

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, insulto sa Senado ang resolusyon dahil wala naman pag-atake kay Romualdez mula sa Senado.

Nakakalungkot naman ayon kay Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na inaakusahan ang mga senador ng Kamara na ang mga bagay na ginagawa ng mga kongresista.

Bukod pa dito, dagdag pa ni Pimentel, mayroong “whereas clause” na nagsasabing walang malinaw na patutunguhan ang pagdinig sa Senado sa people’s initiative at ito ay maituturing na “unparliamentary conduct.”

Dagdag pa nito, sa ikatatahimik ng Kamara ay maghahain siya ng panukalang batas para sa sapat na basehan sa pagsasagawa ng people’s initiative.

 

Read more...