Muling tataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa limang sunod na linggo ng 2024 simula bukas, Pebrero 6.
Sa magkakahiwalay na abiso ng mga kompaniya ng langis, P0.75 ang madadagdag sa kada litro ng gasolina at P1.50 naman sa kada litro ng diesel o krudo.
Papatungan din ng P0.80 ang bawat litro ng kerosene.
Noong nakaraang ang unang bigtime price hike sa mga produktong petrolyo nang tumaas ng P2.80 ang kada litro ng gasolina at kerosene at P1.30 naman sa diesel.
Ang paggalaw sa mga presyo, ayon sa Department of Energy (DOE), ay bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Russia at sa panukala na palawigin pa ang pagbawas sa produksyon ng langis ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC).
MOST READ
LATEST STORIES