Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga taga-Albay ukol sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.
Kaugnay ito sa nangyaring “phreatic explosion” na naganap kahapon ng hapon.
Sa ulat ng Phivolcs, alas-4:37 nang magsimula ang pagputol at tumagal ito ng higit apat na minuto.
Nagbunga ito ng malakas na pagsabog, rockfall, pyroclastic density currents o PDC.
Nagbuga din ito ng abo na at umabot sa taas na 1.2 kilometro at napadpad sa direksyon na timog-kanluran.
Paalala ni Phivolcs Dir. Teresito Bacolcol nananatiling nakataas sa Alert Level 2 ang naturang bulkan.
Dagdag pa niya, na huwag pumasok sa 6-kilometer permanent danger zone sa paligid ng bulkan.
MOST READ
LATEST STORIES