Senior citizens, PWDs ng Muntinlupa City nagka-trabaho sa fastfood stores

MUNTINLUPA CITY PIO PHOTO

Sumailalim sa orientation ang ilang senior citizens at persons with disabilities (PWDs) na mabibigyan ng trabaho sa tatlong kilalang fastfood stores.

Bunga ito ng memorundum of agreement (MOA) ng pamahalaang-lungsod, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) sa Jollibee Foods Corp., para sa pagkuha bilang service crew na mga 60 anyos pataas, gayundin ng mga may kapansanan.

Nabatid na limang senior citizens at anim na PWDs ang kinuha ng Jollibee, anim na seniors at limang PWDs naman sa Burger King at apat na senior at apat din na PWDs sa Greenwich.

Ang mga ito ay itatalaga sa mga sangay ng tatlong fastfood stores sa  Alabang Town Center, Festival Mall, SM Center Muntinlupa, at  Shell SLEX.

Laking pasasalamat ng mga seniors at PWDs kay Mayor Ruffy Biazon at hiling nila na magpatuloy ang magandang programa.

 

Read more...