Nais ni Jinggoy Ejercito Estrada na maglaan ang bawat lokal na pamahalaan ng bahagi ng kanilang national tax allotment sa pamamahagi ng libreng gamot sa mahihirap nilang mamamayan.
“Kadalasang libre ang konsultasyon at hospitalization sa mga pampublikong ospital, health care centers o clinics. Pero nawawalan naman ng saysay ang pagkunsulta nila sa mga doktor o pagpapagamot dahil sa kakapusan sa pambili ng mga inireseta sa kanila na mga gamot,” banggit ni Estrada sa inihain niyang Senate Bill No. 1029.
Kailangan din aniya na magbukas ng botika sa bawat pampublikong ospital o magtalaga ng mga lugar kung saan makukuha ang mga libreng gamot.
Paliwanag ng senador sa Section 284 ng Republic Act No. 7160 o ang Local Government Code, ang bawat lokal na pamahalaan ay may40% bahagi sa national revenue taxes o ang Internal Revenue Allotment (IRA) at dito maaring hugutin ang pambili ng mga ipamamahaging gamot.
Aniya kumpara sa ibang bansa sa Asya, mahal ng limang porsiyento hanggang 30 porsiyento ang mga gamot sa bansa kahat hirap ang mga mahihirap na pasyente na makabili ng mga kinakailangan nilang medisina.