Political provisions ng 1987 Constitution hindi gagalawin sa Senate hearing

Tiniyak ni Senator Sonny Angara na hindi matatalakay sa isasagawang pagdinig ng Sub-Committe on Constitutional Amendments ang political provisions ng 1987 Constitution.

Ayon kay Angara, ang uupong chairman ng komite, limitado sa economic amendments ang kanilang tatalakayin.

Aniya sa Resolution of Both House No. 6, limitado lamang sa pag-amyenda sa advertising, education at public services provisions ng Konstitusyon ang kanilang didinggin.

Magugugunita na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang RHB 6 alinsunod sa nais ni Pangulong Marcos Jr., na pangunahan ng Senado ang gagawing mga pag-amyenda sa Saligang Batas.

Ang Kamara sinabing hihintayin na lamang ang pagpasa sa Senado sa resolusyon.

Read more...