Bumuo muna ng batas bago magsulong ng people’s initiative – Imee

JAN ESCOSIO PHOTO

Una nang sinabi ni Senator Imee Marcos na walang partikular na batas para sa pagsasagawa ng people’s initiative o PI.

Kayat sa isang panayam sa telebisyon, iginiit ni Marcos na unahin muna ang pagbalangkas mg batas para sa people’s initiative upang maamyendahan ang 1987 Constitution.

“Why don’t we first make a law? Let’s hammer together, craft, debate until we get a law, and thereafter produce this People’s Initiative that is properly done?” sabi pa ni Marcos.

Kamakalawa pinangunahan ni Marcos sa pamamagitan nang pinamumunuan niyang Committee on Electoral Reforms ang pagdinig ukol sa kontrobersiyal na people’s initiative.

Dagdag pa niya na ang isyu ay maaring matalakay sa deliberasyon ng Resolution on Both Houses No. 6, na inihain ni Senate President Juan Miguel Zubiri at ang layon ay amyendahan ang tatlong “economic provisions” sa Saligang Batas.

Pagpupunto niya na sa kasaysayan ng Pilipinas, hindi pa nakakapagsagawa ng people’s initiative sa bansa.

Banggit niya sa desisyon ng Korte Suprema sa Santiago versus Comelec, idineklara na walang maipapatupad na batas sa pagsasagawa ng PI para sa Charter change o Cha-cha dahil maituturing na hindi sapat ang RA 6736 o ang Initiative and Referendum Act.

“They said the existing laws were inadequate, and that, therefore, we have to make a law,” diin ni Marcos.

Paghihimok niya sa mga kapwa senador na masusing magsulong ng panukalang-batas para sa proseso, pamamaraan, guidelines at safeguards para sa  pagsasagawa ng people’s initiative.

Naiisip niya na dapat sa PI ay may malawakan at tapat na konsultasyon sa mamamayan at pagtalakay sa mga isyu, lalo na para sa kapakanan ng mas nakakaraming Filipino.

 

 

Read more...