Daycare centers sa EMBO barangays hinubaran ng Makati LGU

CONTRIBUTED PHOTO

Inalmahan ng pamahalaang-lungsod ng Taguig ang pagpapasara ng Makati City government sa daycare centers sa EMBO barangays.

Sa inilabas na pahayag ng Taguig LGU, walang abiso ang pagpapasara sa daycare centers, hinakot ang mga gamit at maging ang mga kagamitan sa playground ay inalis din.

Ngunit tiniyak ng Taguig LGU na makakapag-aral pa rin simula sa Pebrero 5 ang mga mag-aaral dahil nagtalaga  sa pinakamalapit na public elementary school ng pansamantalang silid-paaralan ng mga batang mag-aaral.

Inanunsiyo din na kung kakailanganin ng shuttle service para sa pagpasok ng mga mag-aaral ay nagtalaga din ang Taguig LGU. Kasabay nito, inihahanda na ang mga bagong daycare centers at isinasabay na ang paglalagay ng mga bagong kagamitan. Bukod dito ay handa na rin ang mga guro at teacher aides sa pagtuturo sa mga bata. Tiniyak ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at mga lokal na opisyal na hindi niya hahayaan na  mangyayari ang balak ng Makati  City na maperwisyo ang pag-aaral ng mga batang Taguigeño sa EMBO barangays.
Read more...