2 Pinoy patay, 4 Chinese sugatan sa bangaan ng barko, water taxi sa Batangas

PCG PHOTO

Namatay ang dalawang tripulanteng Filipino, samantalang apat na Chinese citizens ang nsaktan sa banggaan ng isang passenger vessel at water taxi sa dagat na sakop ng Verde Island sa Batangas kaninang hapon.

Ayon Philippine Coast Guard (PCG) alas-12:30 nang magbanggaan ang “Ocean Jet 6” at water jet “Hop & Go 1.”

Namatay ang boat captain at 3rd mate ng Hop & Go ayon kay Coast Guard Station Batangas commander Captain Jerome Jeciel.

Nabatid na nagmula sa Batangas ang Ocean Jet 6 at patungo sa Calapan, samantalang patungo naman sa Batangas ang Hop & Go mula sa Puerto Galera.

Isang Swedish at dalawa pang Chinese citizens na sakay din ng Hop & Go ang hindi nasaktan, gayundin ang 105 pasahero at 19 tripulante ng Ocean Jet 6.

 

Read more...