Sen. Bong Go kinondena paggamit ng gov’t programs sa people’s initiative

OSBG PHOTO

Binatikos ni Senator Christopher “Bong” Go ang nabunyag na paggamit sa ilang programa ng gobyerno sa pagsusulong ng people’s initiative.

“Sa Senate hearing na ginanap nitong Martes, maraming testigong tumindig upang isiwalat ang panunuhol at panlilinlang na ginawa sa kanila kapalit ng pirma sa People’s Initiative. Kung totoo ito, klaro na hindi ito tunay na People’s initiative!,” sabi ni Go.

Dagdag pa niya: “Ang hindi rin katanggap-tanggap dito ay ginagamit pa raw ang mga programa ng gobyerno para tulungan ang mga mahihirap bilang kapalit para makakuha ng pirma sa pekeng People’s Initiative na ito,.”

Pagdidiin din niya na kailangan ay protektahan ang Konstitusyon, gayundin  ang Senado bilang isang institusyon, ang interes ng ating mga kababayan, ang demokrasya sa ating bansa, at ang tunay na boses ng mamamayan.

Binatikos niya ang mga pasimuno ng people’s initiative dahil sa pagsasamantala sa kahinaan at kakapusan ng impormasyon ng marami sa mga pumirma.

“Huwag ninyong gamitin ang ayuda bilang kapalit sa kanilang pirma dahil dapat walang kapalit ang tulong ng gobyerno sa nangangailangang mga Pilipino,” apila ng senador.

Read more...