Dinagdagan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga gamot na wala ng 12 porsiyentong value added tax (VAT).
Kabilang sa mga naging VAT free ay mga gamot sa cancer, hypertension, diabetes, high cholesterol, kidney disease, high cholesterol, mental illness at tuberculosis.
Nabatid na ang Food and Drug Administration ang nag-endorso ng mga gamot na inalisan ng VAT at inaprubahan ng BIR dahil sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Magugunita na noong Enero 2019 nang alisan ng VAT ang mga gamot na inirereseta para sa sakit sa puso at diabetes.
Noong nakaraang taon 59 gamot sa ibat-ibang sakit ang inaprubahan din ng BIR na matanggalan ng VAT.
MOST READ
LATEST STORIES