HANOI, Vietnam – Dalawang mahahalagang kasunduan ang sinelyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.
Una ang pagsu-suplay ng bigas sa Pilipinas ng 1.5 milyon hanggang dalawang milyong metriko tonelada kada taon sa susunod na limang taon sa murang halaga.
Ikalawa, nagkasundo ang dalawa sa mga hakbang para maiwasan ang insidente sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea.
Naselyuhan ang Rice Trade Cooperation and on Cooperation in Agriculture and Related Fields at Incident Prevention and Management in the South China Sea sa dalawang araw na pagbisita dito ni Pangulong Marcos Jr.
Nakipagpulong si Pangulong Marcos Jr., kina President Vo Van Thuong, Prime Minister Pham Minh Chinh at National Assembly of the Socialist Republic of Vietnam Vuong Dinh Hue.