Koalisyon ng mga Kristiyano, Muslim ayaw sa people’s initiative

JAN ESCOSIO PHOTO

Nagtipon-tipon ang mga namumuno at miyembro ng Christian-Muslim Democratic Coalition (CMDC) sa gitna ng mga nangyayaring isyu sa gobyerno at lipunan.

Ayon kay CMDC Sec. Gen. Bobby Brillante nagkaisa ang kanilang koalisyon na magdaos ng pulong ng mas maaga dahil sa mga kaganapan sa bansa.

Isa lang ang kanilang panawagan sa mga lider ng bansa na itigil na ang bangayan dahil nagdudulot na ito ng pagkawatak-watak sa Pilipinas.

“We join the President in calling the House of Representatives to stop the people’s initiative,” ani Brillante sa kanilang consultative assembly sa Taguig City.

Paliwanag ni Brillante ang tunay na people’s initiative ay nagmumula talaga sa taumbayan at aniya ang nangyayari ngayon ay ang kagustuhan ng mga pulitiko.

“When we say people’s initiative, the people themselves rising together and asking for constitutional amendments but ang kailangan ang taumbayan nagkakasundo, ano bang klaseng amendments ito? Baka naman pagpapalawig lamang ng termino, baka pagpapalakas lang ng political dynasty. Baka naman yung economy natin lalong maging monopolistic,” mga tanong pa ni Brillante.

Kayat panawagan niya, itigil na ang pagsusulong ng people’s initiative at hayaan na lamang si Pangulong Marcos Jr., na tuparin ang kanyang mga naipangako noong panahon ng kampaniya.

‘This is not a genuine people’s initiative, this is money initiated initiative. Dahil with P20 million per district, you are corrupting the people for to sign and agree to a provision of a constitution they dont even understand,” sabi pa nito.

Nabanggit ni Brillante na sa buong bansa ay mayroon silang walong milyong miyembro at aniya hindi nila itatanggi na tinulungan nila noong 2016 si dating Pangulong Duterte, gayundin ang tambalang Bongbong Marcos – Sara Duterte noong 2022.

 

Read more...