300 pamilya, nawalan ng bahay dahil sa sunog sa Parañaque

Photo c/o @JohnRhey0507
Photo c/o @JohnRhey0507

Nasa tatlong daang pamilya sa isang residential area sa Paranaque ang nawalan ng tirahan matapos tupukin ng malawakang sunog kagabi (July 02).

Ayon sa Bureau of Fire Protection o BFP, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsimula ang sunog sa bahay ng isang Linda Dejumo at mabilis na kumalat ang apoy sa mga bahay sa SAMAPA Compound, Barangay Moonwalk, Parañaque.

Dahil sa laki ng sunog, itinaas ito sa Task Force Alpha.

Sa pagtaya ng BFP, aabot sa 1.5 millon pesos ang danyos o mga nasirang bahay at ari-arian sa sunog.

Wala namang nasaktan o nasawi sa sunog.

 

Read more...