Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na nararapat lamang na harapin ni dating Pangulong Duterte ang alegasyon sa kanya na mga paglabag sa mga batas.
Ginawa ni Romualdez ang pahayag matapos isiwalat ni Duterte na nakasama sa watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency’s (PDEA) si Pangulong Marcos Jr.
“Please lang dapat magkaisa ang buong Pilipinas. Baka meron kayong mga concern or issues na kailangang harapin mo ‘yung batas na baka nilabag mo noon sa administrasyon mo,” ani Romualdez.
Magugunita na nais maimbestigahan ng International Criminal Court (ICC) si Duterte dahil sa libo-libong namatay sa pagkasa ng “war on drugs” sa anim na taon niya sa posisyon.
Itinanggi na ng PDEA ang pahayag ni Duterte ukol sa pagkakasama ni Pangulong Marcos Jr., sa kanilang drug watchlist.