Pinasalamatan ng mga kongresista ang paanyaya ni Senator Imee Marcos na dumalo sa isasagawang pagdinig sa Senado ukol sa kontrobersyal na pangangalap ng mga pirma para sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe na abala sila sa kanilang mga trabaho sa Kamara para dumalo sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms, na pinamumunuan ni Marcos.
“While we appreciate Senator Marcos’ open invitation to the Senate probe, it seems we in the House have our hands full crafting legislation aimed at enhancing the lives of our fellow Filipinos. It’s a demanding task, but someone’s got to do it,” ani.
Ngunit sinundan ito ng pahayag na: “Perhaps while we focus on building bridges, others seem more inclined to hunt for witches.”
Ilang beses nang itinanggi ng mga kongresista, kasama na si House Speaker Martin Romualdez na may kinalaman sila sa pangangalap ng mga pirma.
Ngunit dahil sa mga isyu ng mga diumanoy panunuhol kapalit ng pagpirma, dalawang resolusyon ang inihain ni Marcos na naging daan para makapagsagawa ng pagdinig sa Senado.
Tatalakayin din sa pagdinig ang privilege speech ni Sen. Ronald dela Rosa noong nakaraang linggo ukol din sa naturang isyu.