People’s initiative pinahihinto ni PBBM sabi ni Zubiri

JAN ESCOSIO PHOTO

Bago tumulak patungong Vietnam si Pangulong Marcos Jr., kanina ay nagka-usap sila ni Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Zubiri siniguro niya na makaka-usap niya si Pangulong Marcos Jr., dahil sa lumalala ng “political crisis” dahil sa away ng Senado at Kamara dahil sa people’s initiative o PI.

Aniya kasama nila sa pulong sina Executive Seec. Lucas Bersamin at Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.

Sinabi ni Zubiri na maging ang Punong Ehekutibo ay nagpahayag na ng kanyang pag-aalala sa relasyon ngayon ng dalawang kapulungan ng Kongreso na nag-ugat sa pagsusulong ng PI.

Binanggit ni Zubiri na ipag-uutos ni Pangulong Marcos Jr., na itigil na ang PI.

Maging sina Bersamin at Enrile, ayon pa kay Zubiri, ay sinabing mali ang mithiin ng PI para sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.

Kasama ni Zubiri na humarap sa Senate media sina Senate President Pro Tempore Loren Legarda at Majority Leader Joel Villanueva.

Magugunita na noong Enero 11 ay pinulong na ni Pangulong Marcos Jr., sina Zubiri at House Speaker Martin Romualdez, kasama ang ilang senador at kongresista.

Ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr., na pangunahan ng Senado ang pag-amyenda sa “economic provisions” ng Saligang Batas at agad naman tumalima si Zubiri nang ihain nito ang Resolution of Both House No. 6.

Read more...