Tinapakan ng Commission on Elections (Comelec) ang preno sa umaarangkadang people’s initiative o PI.
Ibinahagi ni Chairman George Garcia na nagdesisyon sila na suspindihin muna ang lahat ng aktibidad na may kinalaman sa PI.
Aniya kasama sa suspensyon ang hindi muna pagtanggap ng siganture forms.
Pag-amin ni Garcia na kailangan ng masusing pagsusuri at pag-amyenda mismo sa mga alintuntunin na gumagabay sa pagsasagawa ng PI.
Dagdag pa ng opisyal na kinakailangan nilang gawin ang hakbang para maiwasan ang kaguluhan at hindi pagkakaintindihan sa interpretasyon ng mga polisiya.
Hanggang noong Enero 26, nakatanggap na ang Comelec ng signature forms ng people’s initiative mula sa 1,072 lungsod at bayan sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES