Binuweltahan ni Pangulong Marcos Jr. si dating Pangulong Duterte matapos ibunyag ng huli na kasama ang una sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa panayam bago ang kanyang paglipad patungo sa Vietnam, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na dapat nang alagaang mabuti si Duterte.
Aniya ilang taon nang inamin ni Duterte na umiinom siya ng fentanyl na isang highky addictive na gamot at maaring umiepkto na ang “side effects.”
“It is highly addictive and it has very serious side effects. And PRRD has been taking the drug for a very long time now. When was the last time he told us that he was taking fentanyl? Mga 5, 6 years ago? Something like that. After 5, 6 years it has to affect. Kaya palagay ko kaya nagkakaganyan. I hope his doctors take better care of them, hindi pinapabayaan itong mga nagiging problema, ” pahayag pa ni Pangulong Marcos Jr.
Tinawanan din lang ni Pangulong Marcos ang akusasyon ni Duterte na sangkot siya sa ilegal na droga.
” I won’t even dignify the question, ” sabi niya.