Pinasinungalingan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na napasama sa kanilang watchlist si Pangulong Marcos Jr.
Tugon ito ng PDEA sa pahayag ni dating Pangulong Duterte na noong siya ang nagsisilbing alkade ng Davao City ay pinakitaan siya ng PDEA ng watchlist kung saan kabilang si Pangulong Marcos Jr.
Ayon sa PDEA nang mabuo ang ahensiya noong 2002, bumuo ng National Drug Information System o NDIS. ang intelligence database ng drug personalities sa bansa base sa mga impormasyon mula sa ibat-ibang ahensiya.
Nabatid na regular ang pagsasagawa ng intelligence workshops ng PDEA katuwang ang ibat-ibang ahensiya para ma-update ang mga pangalan na nasa NDIS.
“From its inception in 2002 and up to the present, President Ferdinand Marcos Jr., was NEVER in our NDIS,” ang pahayag pa ng PDEA.
At nang maupo si Duterte noong 2016 ay lumabas naman ang “narco list” o “Duterte list,” na pinag-ugatan ng Inter-Agency Drug Information Database o IDID.
At ayon sa PDEA hindi din napabilang sa IDID ang pangalan ng kasalukuyang Punong Ehekutibo.
“Based on all the foeregoing facts, the PDEA asserts that President Marcos Jr., is not and was never in the watch list,” diin ng PDEA sa inilabas na pahayag ngayon umaga.