Davao City Mayor Baste Duterte may resign call kay PBBM

FILE PHOTO

Sa labis na pagkadismaya sa mga nagaganap sa kasalukuyan sa gobyerno, hiniling ni Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte kay Pangulong Marcos Jr., na magbitiw na lamang sa puwesto.

Ginawa ni Duterte ang panawagan sa Hakbang ng Maisug Forum sa Davao City kahapon.

“Mr. President, kung wala kay gugma ug aspiration sa nasud, resign (if you do not have love and aspiration for the country, just resign),” sabi ni Mayor Duterte.

Ikinumpara niya ang mga ginawa ng kanyang ama, si dating Pangulong Duterte, laban sa krimen at pagkalat ng ilegal na droga.

Aniya sa pagbaba sa puwesto ng kanyang ama ay balik na ang mga ilegal na aktibidad

“Na-anticipate ko talaga sa pagbaba niya (FPRRD), there will be a resurgence of illegal activities kasi for six years hindi sila makagalaw. May rubber band effect talaga. These syndicates walang ibang alam kundi gumawa ng krimen. In less than a year makita ninyo mga police, naka-uniporme, mga nasa Senado, anong issue? Droga,” dagdag pa nito.

Nabanggit din ni Mayor Duterte ang iringan sa pagitan ng Kongreso at Senado, gayundin ng Kongreso at Vice President Sara Duterte na dapat pagdidiin niya ay inaayos ni Pangulong Marcos Jr.

Dagdag pa niya kung ang sarili lamang ang iisipin, magbubunga ito ng kaguluhan.

“What is the point of hierarchy if he cannot fix what is broken? He better resign if he cannot deliver his responsibility as president,” banggit pa niya.

 

Read more...