2024 bigtime oil price hike magaganap ngayon linggo

Mula sa pagpasok ng bagong taon hanggang sa pagtatapos ng unang buwan ng 2024 ay magpapatuloy ang pagtaas ng halaga ng mga produktong-petrolyo.

Bukas, Enero 30, inaasahan na ipapatupad ang unang “bigtime oil price hike” ng taon.

Tinataya na ang halaga ng gasolina ay madadagdagan ng P2.50 – P2.80 kada litro, samantalang P1 hanggang P1.30 naman sa diesel o krudo.

Samantalang, ang presyo ng bawat litro ng kerosene ay aangat ng P0.40 hanggang P0.60.

Sinabi ni Energy Dir. Rodela Romero na ang paggalaw sa mga presyo ay bunga ng pagbaba ng US crude stock sa kabila ng mataas na pangangailangan.

Read more...