Mosyon ng SMNI sa suspensyon ng dalawang programa ibinasura ng MTRCB

FILE PHOTO

Tinanggihan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang inihaing  motions for reconsideration ng Sonshine Media Network International (SMNI) para bawiin na ang suspensyon ng dalawa sa kanilang mga programa.

“The programs were deemed in violation of established guidelines and standards set by Presidential Decree No. 1986 and its Implementing Rules and Regulations governing broadcasting content,” ang pahayag ng MTRCB ngayon araw.

Sa kanilang apila, sinabi ng SMNI na ang kautusan ng MTRCB ay maaring maituring na labag sa Konstitusyon dahil sa tila paninikil sa kalayaan ng pamamahayag.

Hindi nakumbinsi ang MTRCB sa mga inilahad na katuwiran ng SMNI sa kanilang mga mosyon.

Kasabay nito pinalawig pa ng karagdagang 28 araw ang suspensyon sa  programang “Gikan Sa Masa, Para Sa Masa.”

Sa nabanggit na programa na naipalabas noong Oktubre pinagbantaan ni dating Pangulong Duterte si ACT Teachers party-list Rep. France Castro.

Read more...