5 lalaki, patay sa police operation sa Maynila

police-line-0815Patay ang limang indibidwal sa isang operasyon ng mga pulis sa Quiapo, lungsod ng Maynila.

Batay sa inisyal na impormasyon, ang limang lalaki ay sangkot umano sa ilegal na droga.

Ito’y base na rin sa mga sumbong ng mga residente at mga saksi.

Nasa lugar na ang mga taga-SOCO, at patuloy na sinisiyasat ang pangyayari.

Nitong mga nakalipas na araw, tuloy-tuloy ang operasyon ng mga otoridad laban sa ipinagbabawal na gamot, bilang bahagi ng anti-drug campaign na Duterte Administration.

 

Read more...