Superbody kontra ilegal na droga, ipinanukala

 

Ipanunukala sa Mataas na Kapulungan ng Konfgeso ang pagbuo ng “Superbody” laban sa iligal na droga.

Layunin nito, ayon sa pangunahing magsusulong ng naturang panukala na si Senador Tito Sotto, ay upang palakasin ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra droga.

Ang “Superbody” ay mayroon aniyang police, prosecution, prevention and rehabilitation components na “controlled and supervised” ng Presidential Anti-Drug Authority sa ilalim ng tanggapan ng Pangulo.

Sa kasalukuyan kasi aniyang set-up ay hiwalay na nag o-operate ang mga anti-drug agencies ng gobyerno.

Inihalimbawa ni Sotto ang Philippine Drug Enforcement Agency na mayroong anti-narcotics agents na hiwalay sa pulisya.

Dapat aniya, magkaroon ng kombinasyon ng dalawang magkahiwalay na ahensiya para sa holistic approach.

Tiwala naman si Sotto na makapapasa sa Senado ang kanyang panukala na bubuo sa “superbody” habang naghahanap naman siya ng counterpart legislation sa House of Representatives.

Read more...