Pangulong Marcos Jr., pinuri ang DepEd sa pilot testing ng K-10 curriculum

PCO PHOTO

Todo-papuri si Pangulong Marcos Jr., sa Department of Education (DepEd) sa pagsasagawa ng “pilot testing” ng bagong  K to 10 curriculum sa 35 eskuwelahan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Ikinalugod ni Pangulong Marcos Jr., ang bagong curriculum na ang layon ay mabawasan ang kasalukuyang curriculum.

“We are decongesting the curriculum, with a focus on the development of foundational skills. I’m happy that the DepEd is piloting a new K to 10 curriculum in 35 schools across the region,” ang mensahe ni Pangulong Marcos Jr., sa Basic Education Report (BER) 2024 ng DepEd.

Aniya malinaw, komprehensibo, direkta at nakakahikayat ang bagong curriculum.

Pinuri din niya si Vice President & Education Sec. Sara Duterte sa pamumuno sa kagawaran.

Ikinasa ang K-10 curriculum sa mga eskuwelahan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Visayas, Central Mindanao, Cordillera Administrative Region (CAR), National Capital Region (NCR) at Caraga.

 

Read more...