PBBM nagkaroon ng hiwalay na executive session sa mga senador, kongresista

INQUIRER PHOTO

Sa halip na magkaroon ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) meeting, magkahiwalay na pinulong ni Pangulong Marcos Jr., ang mga senador at kongresista sa Malakanyang.

Ito ang ibinahagi ni Sen. Imee Marcos at aniya isinagawa ang magkahiwalay na “executive session” sa gitna nang tumitinding iringan ng mga miyembro ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

“Wala ng LEDAC kanina dahil nagmeeting muna [PBBM] sa mga senador, tapos hiwalay naman yung [HOR],” ang text message ni Sen. Marcos sa Senate reporters.

Kinumpirma naman ito ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Ayon kay Villanueva bukod sa kanila nina Senate President Juan Miguel Zubiri, Senate President Pro Tempore Loren Legarda kasama din sa nangyaring executive session sina Sens. Marcos, JV Ejercito, Sonny Angara, Grace Poe, Pia Cayetano, Sherwin Gatchalian at Mark Villar.

Hindi na nagbigay pa ng karagdagang detalye sina Sen. Marcos at Villanueva ukol sa nangyaring pulong at kung kailan itutuloy ang LEDAC meeting.

Read more...