Naniniwala si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., na madadaan sa maayos na usapan ang nangyayaring iringan ng Senado at Kamara.
Aniya dapat ay maging “cool” lang ang lahat para mapag-usapan ang mga solusyon.
Kasabay nito, sang-ayon si Revilla sa sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na kung aamyendahan ang Saligang Batas dapat ay iakma ito sa pangangailangan ng panahon.
Aniya sang-ayon siya na silipin ang ilang “economic provisions” ng Konstitusyon para magbigay daan sa pag-unlad ng bansa at maraming benepisyo sa mamamayan.
Gayunpaman, sinabi pa ng senador na nararapat lang din na kilalanin ang boses ng Senado sa pagboto sa mga aamyendahang probisyon.
Kabilang si Revilla sa lumagda sa manipesto ng Senado ukol sa pagtutol sa isinusulong na people’s initiative dahil mababalewala nito ang mga senador.