Ang mga pahayag na ito ni Romualdez ay kaugnay sa inilabas na manifesto ng Senado na nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa people’s iniative sa katuwiran na mawawalan sila ng boses kapag pinagbotohan na ang aamyendahang mga probisyon sa 1987 Constitution. Diin niya inirerespeto niya ang posisyon ng mga senador, gayundin ang karapatan ng taumbayan na ihayag ang kanilang mga nais na maamyendahang probisyon sa Saligang Batas sa pamamagitan ng people’s initiative. “That is also the right of the Senate, I respect always the opinion of others. I may not necessarily agree, but I respect the right,” dagdag pa nito. Aniya hinding-hindi niya papatulan ang mga pahayag at aksiyon na magreresulta lamang sa pagkakahati-hati ng lahat.
MOST READ
LATEST STORIES