Inamin ni Pangulong Marcos Jr., na may pangangailangan na para amyendahan ang ilang probisyon sa 1987 Constitution para sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ngunit agad niyang nilinaw na sa ngayon ang nakikita niya na dapat na maamyendahan lamang sa ngayon ay ang ilang “economic provisions” lamang ng Konstitusyon. Base ito sa kanyang paniniwala na isang paraan ito para makapanghikayat pa ng mas maraming banyagang mamumuhunan na magbubukas ng kanilang negosyo sa Pilipinas. Bukas naman aniya sa pag-amyenda din sa “political provisions” sa 1987 Constitution ngunit kailangan ay bigyan prayoridad at limitahan muna ang pag-amyenda sa “economic provisions.” “We can have these discussions later on. But for the present day, my concern is the economic provisions, and I don’t want to confuse the issue any longer,” sabi ni Pangulong Marcos Jr., sa isang programa sa telebisyon.