LTFRB susunod sa deadline extension sa PUVMP consolidation requirement

FILE PHOTO

Tatalima ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpapalawig ni Pangulong Marcos Jr., sa deadline ng “consolidation” ng public utility vehicles (PUVs).

Sinabi ito ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III matapos malaman ang naging desisyon ni Pangulong Marcos Jr.

Kayat hinihikayat ni Guadiz  ang mga operators at drivers na samantalahin ang tatlong buwan na pagpapalawig ng extension.

Unang kinumpirma ni Communications Sec. Cheloy Garafil na sinang-ayunan ni Pangulong Marcos Jr., ang rekomendasyon na extension ni Transportation Sec. Jaime Bautista.

Ang LTFRB ay naghahanda na sa mga posibleng mangyari pagkatapos ng unang extension sa Enero 31.

Napa-ulat na maraming ruta ang mababawasan ang mga pumapasadang pampublikong sasakyan na magdudulot ng hirap sa mga pasahero.

Read more...