Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na ang nationwide plebiscite para sa Charter change o Cha-cha ay malabo na mangyari ngayon taon o kahit sa susunod na taon kundi posible sa 2026.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia kapos na sa oras at dalawang halalan pa ang magaganap sa 2025.
Aniya kung nakapaghain lamang ang People’s Initiative for Reform, Modernization and Action (PIRMA) ng petisyon at may sapat na kailangan na bilang ng mga pirma ngayon buwan maaring maisagawa ang plebisito sa darating na Agosto.
Ngunit mangangailangan pa ang grupo ng hanggang tatlong buwan para makakuha ng kinakailangang walong milyong pirma mahihirapan nang makapagdaos ng plebisito ngayon taon.
Dagdag pa ni Garcia kailangan din nilang suriin ang petisyon, gayundin ang isusumiteng mga pirma.