VP Sara sinabing hindi siya bibitiw sa puwesto

FILE PHOTO

Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na hindi siya magbibitiw sa puwesto.

Sa isang panayam, sinabi din ni Duterte na hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa 2025 midterm elections.

Aniya maaring hindi buo ang nailabas na pahayag niya kahapon kayat nagkaroon ng impresyon na magbibitiw siya sa puwesto para lumahok sa eleksyon sa 2025.

“I think ‘yung confusion is piecemeal ang appreciation ng mga tao doon sa sinabi ko. Ibig sabihin, tinatanggal nila ang isang linya para sabihin kung ano ang gusto nila na interpretation,” aniya.

Nabanggit din ni Duterte na hindi pa nila napapag-usapan ni Pangulong Marcos Jr., ang eleksyon sa susunod na taon.

Si Duterte ang running mate ni Pangulong Marcos Jr., noong 2022 elections.

 

Read more...