Inatasan ni Finance Secretary Ralph Recto ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na magtulong para maabot ang P4.3 trillion target revenue ngayon taon.
Paalala ni Recto sa dalawang kawanihan, base ito sa utos ni Pangulong Marcos Jr., na ipagpatuloy ang pagtaas ng kita ng gobyerno upang mapondohan ang mga programa at proyekto.
Sa naturang halaga, P3.05 trilyon ang inaasahan na kikitan ng BIR samantalang P1 trilyon naman sa bahagi ng BOC.
“In the immediate term, inflation has to be tamed decisively and kept at bay. Ensuring that prices of goods remain stable and affordable is crucial to further grow the economy, consequently enabling us to boost revenue collection,” sabi ni Recto.
Batid ng kalihim ang mga hamon sa ekonomiya, kayat mahigpit ang bilin niya sa dalawang kawanihan na magtulong para mapadali ang pagbabayad ng mga buwis at alisin ang mga hadlang na nakakaapekto sa supply chains ng bansa.
Inatasan niya ang BIR na agad ipatupad ang Ease of Paying Taxes Act, samantalang sa bahagi ng BOC ay palakasin pa ang kanilang anti-smuggling campaign.