Bukas ang pintuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga senador upang maobserbahan at pagbunot ng mga mananalong kombinasyon ng mga numero sa kanilang lotto games.
Paliwanag ni General Manager Mel Roble ang kanilang imbitasyon sa mga bumubuo ng Senate Committee on Games and Amusements ay para na rin makapagbigay ng kanilang mga rekomendasyon ang mga senador.
Kumpiyansa naman si Robles na mapapatunayan nila ang integridad ng kanilang lotto games.
“The PCSO for the past 89 years has kept its integrity beyond question. And we are committed to following that unsullied reputation. That’s why we are inviting our honorable senators for them to see how the actual processes work,” sabi pa ng opisyal.
Hinikayat pa niya ang mga senador na magsagawa ng “surprise visit” sa kanilang tanggapan a obserbahan ang kanilang “pre-draw preparations hanggang sa pagbola ng mga numero.
Aniya ang sulat ng kanilang imbitasyon ay ipinadala kina committee chairperson, Sen. Manuel Lapid, vice chairpersons Sen. Christopher ‘Bong’ Go, at Sen. Raffy Tulfo, gayundin sa mga miyembro na sina Sen. JV Ejercito Jr., Francis ‘Chiz’ Escudero, Ramon Bong Revilla Jr., Francis Tolentino, at Risa Hontiveros.
“We are committed to openness and accountability in the conduct of all our lottery activities. We believe that fostering transparency in the lotto draw process is crucial in maintaining public trust and confidence in the integrity of our operations,” diin ni Robles.