Pinoy kabilang sa 21 namatay sa Gaza grenade attack

PH EMBASSY PHOTO

Kabilang ang isang Filipinong sundalo ng Israel Defense Forces sa malawakang pagsabog sa Gaza noong Lunes, ayon sa Israel Embassy dito sa bansa.

Kinilala ang nasawi na si 1CSgt. Cydrick Garin, 23, nakatalaga sa 8208th Battalion ng 261st Brigade.

Kabilang si Garin sa mga nagbabantay sa isang compound nang paputukan sila ng anti-tank missile.

Maraming sundalo ang nasawi dahil sa pagsabog ay nadamay ang mga pampasabog na gagamitin sana sa demolisyon ng mga gusali sa compound.

Nabatid na inaasikaso na ng embahada ang pagbiyahe ng ama ni Garin sa Israel.

Kasama ni Garin na namumuhay sa Tel Aviv ang kanyang ina.

 

Read more...