5 miyembro ng pamilya natusta sa sunog sa Albay

Sama-samang namatay ang limang miyembro ng isang pamilya nang matupok ang kanilang bahay sa Daraga, Albay kagabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Moncris, 35 ang kanyang live-in partner na si Rosalie, 35 at tatlo nilang anak na pawang menor-de-edad.

Base sa paunang imbestigasyon mabilis na kumalat ang apoy kayat hindi na nagawang makalabas pa ng mga biktima sa kanilang bahay sa Barangay Kilicao.

May isang anak ang nakaligtas, ayon sa awtoridad.

Inaalam pa ang ugat ng sunog.

Samantala, misteryo ang bakas ng mga dugo sa inidoro at sahig ng natupok na bahay.

 

 

 

Read more...