Sen. Pia Cayetano, unang babaeng mamumuno sa Senate Blue Ribbon Committee

SENATE PRIB PHOTO

Naging bahagi na muli ng kasaysayan ng Senado si Senator Pia Cayetano.

Si Cayetano ang napili na papalit kay Sen. Francis Tolentino bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee at ang kauna-unahang babae na mamumuno sa naturang komite.

Napili si Cayetano ng kanyang mga kapwa senador at ang ilan ay pinuri na siya.

“So, we’re very honored that Senator Pia Cayetano is the new chairperson,” sabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri .

“I look forward to witnessing her skilled leadership as she guides the Committee in fulfilling its responsibility to scrutinize matters of public interest, oversee government actions, and ensure that government institutions efficiently and effectively implement laws,” ayon naman kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda.

Maging ang minoriya ay nalugod para kay Cayetano sa bagong posisyon nito.

“The Minority applauds the decision of the Majority, Mr. President and we congratulate our first-ever female chairperson of our Senate Blue-Ribbon Committee,” ayon kay Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III.

Read more...