2 airport police sibak sa pagdaan sa EDSA Carousel Lane

INQUIRER PHOTO

Pang-aabuso ang tingin ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Ines sa pagdaan ng dalawang tauhan ng Airport Police Department (APD) sa EDSA Carousel Bus Lane.

Bunga nito, inalis ni Ines sa puwesto ang dalawang pulis, na nahuli ng security cameras ang pagdaan sa naturang linya na itinalaga lamang sa mga pampasaherong bus at emergency vehicles.

Diin ng opisyal nakakahiya ang ginawa ng dalawa nilang tauhan kayat dapat ay hindi na mauulit.

Sinabi pa niya na ilang beses nang nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga ilegal na dadaan sa naturang special lane sa EDSA.

Iniimbestigahan na aniya ang dalawang pulis para sa kinauukulang “disciplinary actions” na ipapataw sa kanila.

Read more...